WebClick Tracer

Mungkahing iboykot mga Chinese product ipinaubaya kay PBBM, DFA

Bahala na ang Malacañang at ang Department of Foreign Affairs (DFA) na tumugon sa mga mungkahi na pabalikin na sa China si Ambassador Huang Xilian at i-boycott ang mga produkto ng Tsina.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya na labas ang kanilang tanggapan sa ganitong isyu dahil ito ay isang political decision.

Tanging ang Presidente lamang at ang Department of Foreign Affairs (DFA) ang makakasagot sa mga ganitong mungkahi dahil hindi na saklaw ng NSC ang mga ganitong usapin.

“That is a political decision that has to be made by the President and, of course, the Secretary of Foreign Affairs,” ani Malaya.

Ipapaubaya na aniya nila sa ibang mga opisyal ng gobyerno kung aaksiyon o hindi sa mungkahi ng ilang mambabatas na pauwiin na sa China si Ambassador Xilian.

“So ipapaubaya na namin sa mga mas nakakataas sa amin kung ano ang magiging tugon sa mga suhestiyon ng ating mga kababayan,” dagdag ni Malaya. (Aileen Taliping)

See Related Story Here:

‘Pinas sa China: Ilabas ang sinasabing kasunduan sa BRP Sierra Madre!

TELETABLOID

Follow Abante News on