WebClick Tracer

Manny Villar nanguna sa pagbubukas ng Villar Avenue

Pinangunahan ni Villar Group Chairman Manny Villar at ng kaniyang pamilya ang pormal na pagbubukas ng Villar Avenue.

Ang kalsada umano ay magiging koneksyon sa pagitan ng mga lungsod sa Metro at Cavite, makakatulong din umano ito sa pagbuo ng mga trabaho at pagbubukas ng maraming oportunidad.

“The opening of Villar Road is an important milestone for us as this signifies our strong commitment to help spur progress in more areas in the South,” ayon kay Villar.

Ang 10-lane avenue, na magsisimula sa juncture ng The Crossing Cafe at Dear Joe sa kahabaan ng Daang Hari Road ay inaasahang makakatulong sa pag-decongest ng traffic at bawasan ang oras ng biyahe mula sa Las Piñas hanggang sa bahagi ng Bacoor at Dasmariñas sa Cavite.

Mag-uugnay din ito sa iba’t ibang satellite city sa loob ng 3,500 na ektarya ng Villar City, na dumadaan sa 15 lungsod sa Metro Manila at Cavite.

(CS)

See Related Story Here

Manny Villar ginagamit ng mga scammer

TELETABLOID

Follow Abante News on