WebClick Tracer

Maine, Arjo dumalo sa Locarno Film Festival sa Switzerland

Todo suporta si Maine Mendoza bilang misis ni Arjo Atayde at sinamahan ang aktor sa premiere ng pelikulang “Topakk” sa 76th Locarno Film Festival sa Switzerland.

Ilang video at litrato ng mag-asawa sa red carpet premiere ang kalat na sa social media.

Kasama ring dumalo sa premiere sina Enchong Dee at direktor nitong si Pablo Guisa.

Present din sa international screening ang parents ni Arjo na sina Sylvia Sanchez at Art Atayde, na nag-represent sa Nathan Studios, ang kompanya na nag-produce ng pelikula, ayon sa ulat ng ABS-CBN. (IS)

See Related Story Here:

Maine Mendoza ipinasilip mga larawan mula sa kaniyang kasal

TELETABLOID

Follow Abante News on