WebClick Tracer

Lolit Solis hanga kay Marc Leviste

Humanga si Lolit Solis sa respeto ni Batangas Vice Governor Marc Leviste para kay Kris Aquino. Sa Instagram post nito, may hirit ito sa naging relasyon ni Marc at Kris.

“Hanga ako Salve sa respeto ni Marc Leviste kay Kris Aquino. Talagang kahit pa nga parang hindi sineryoso ni Kris ang kanilang maikling relasyon wala kang narinig na nega sa mga pahayag ni Marc. Nanduon parin iyon pagmamahal at respeto niya.”

Ayon pa kay Lolit, boto umano siya kay Marc at Kris at nais niyang magkatuluyan ang dalawa.

“Gusto ko pa naman na sana magkatuluyan at maging partner forever sila Marc at Kris. Na sana matured na sila emotionally sa haharapin buhay kung sakali. Dahil mukha naman maganda ang samahan nila kahit sa mga anak nila.”

“Gustong gusto si Marc ng magkapatid na Joshua at Bimby. At type naman ni Kris ang mga anak ni Marc. Ideal na sana ang dalawa lalo pa nga at lagi naman nasa tabi ni Kris lalo na ng maysakit siya si Marc.” dagdag pa nito.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Dagdag pa ni Lolit, sana umano ay sa ending ay matagpuan ng dalawa ang “eternal love”.

“Kaya naman wish na lang natin na maging maganda sana ang dulo ng journey nila Kris at Marc at sa ending matagpuan parin nila ang eternal love para sa kanilang sarili. We wish them the best at lasting happiness. Be happy and well Kris Aquino and Marc Leviste, bongga.”

Matatandaang ibinunyag ni Kris na kinailangan niyang humingi ng “pause” sa relasyon nila ni Marc dahil sa kondisyon ng kalusugan niya ngayon.

(CS)

See Related Story Here:

Lolit Solis kay Marc, Kris: ‘Sana naman back to serious na ang relasyon nila’

TELETABLOID

Follow Abante News on