WebClick Tracer

Logan Paul, Dillon Danis maghaharap sa Oktubre

Kasado na ang bakbakan ng social media influencer na si Logan Paul at MMA fighter na si Dillon Danis, ito ay gaganapin sa Oktubre 14 sa Manchester, England.

Ang nasabing laban ang magsisilbing co-main event sa laban ni KSI at Tommy Fury sa isang Misfits Boxing event. Hindi naman malinaw kung magiging pro fight o exhibition match ang laban ni Paul at Danis.

Si Paul ay may record na 0-1 bilang pro boxer. Mas kilala ito bilang vlogger at mayroon ng lagpas sa 23 milyon na subscribers sa YouTube. Ang kapatid naman nito na si Jake, na dati ring vlogger, ay mas nakikilala na ngayon sa boxing matapos talunin ang mga dating MMA stars.

Samantala, si Danis, na isang Brazilian jiu jitsu specialist, ay dalawang beses na lumaban bilang isang MMA fighter. Nakilala si Danis bilang training partner ng UFC star na si Conor McGregor. (CS)

See Related Story Here:

Silva, Masvidal target BUGBUGIN sina Jake, Logan Paul

TELETABLOID

Follow Abante News on