WebClick Tracer

Isko tumangging maging ‘pambala sa kanyon’ ng TAPE-Bulaga dahil sa politika?

Tinanggihan diumano ni Isko Moreno na maging “pambala sa kanyon” ng TAPE-Eat Bulaga dahil sa ambisyong politikal.

Sabi ni Wendell Alvarez sa “Showbiz Now Na”, ayon sa nasagap niyang tsika, dapat sana’y si Isko ang kasama ni Paolo Contis sa studio pero mas pinili raw nitong sa labas na lamang kasama si Buboy Villar sa segment na “G Sa Gedli”.

Si Isko raw sana ang maglilitanya araw-araw bago matapos ang Eat Bulaga.

“Ito kasing si Paolo Contis palaging siya may mga hugot… araw-araw ‘yun ginagawa niya dun sa TAPE-Bulaga bago matapos talagang may pahaging siya. Pagkatapos niyang magpahaging bandang huli, mamaya magpapaawa effect naman siya,” ani Alvarez.

“Si Paolo kasi hindi ba siya ang kinuha na poste ng TAPE-Eat Bulaga para doon tapos bandang huli ‘di ba nagulat na lang tayo nang biglang pumasok si Yorme… Tapos ito pa lang si Mayor Isko Moreno, siyempre alam naman natin na magaling siyang magsalita, matalas siyang magsalita, siguro sinabihan siya doon ng production na siya ang maglitanya ng mga kung anong gusto niyang sabihin araw-araw ‘yun pero kaso lang tinanggihan niya, parang ayaw niya.

“Mas pinili ni Mayor Isko na nasa labas na lang siya para tumulong,” lahad pa ni Alvarez.

Para naman kay Cristy Fermin, “Ako man si dating Mayor Isko Moreno, bakit ko tatanggapin na ako pambala sa kanyon? Papaano na ang mga pangarap kong politikal? Malapit na naman, ilang tulog at gising na lang, eleksiyon na naman.”

“Eh nag-aambisyon siya na tumakbo para senador. Bakit ko tatanggapin, magso-SONA ako araw-araw para matandaan ng mga tao? Bawas boto ‘yun,” dagdag niya.

Saad naman ni Rommel Chika: “Ang feeling ko din diyan, ginawa ‘tong segment na ‘to para talaga kay Mayor Isko ‘yung maglilitanya. Kasi siya ‘yung may ano eh, may command. Nasanay na siyang kausapin ‘yung taumbayan. Kaya nga lang nung tinanggihan, dali-dali namang inoohan ni Paolo Contis.”

Hirit naman ni Cristy: “Eh si Paolo Contis wala namang ambisyon ‘to eh… Hindi naman niya plano na pumasok sa mundo ng politika. Kaya tama lang ‘yung ginawa ni dating Mayor Isko Moreno. Bakit niya kukulapulan ng kung ano-anong mga salita ang kanyang imahe. Eh dami-dami pa niyang ambisyon?” (IS)

See Related Story Here:

Joey de Leon hiniritan TAPE sa 10 taong trademark renewal ng ‘Eat Bulaga’

TELETABLOID

Follow Abante News on