WebClick Tracer

Hontiveros: China-funded reclamation projects sa Pilipinas, ibasura

Hinimok ni Senadora Risa Hontiveros ang pamahalaan na ibasura ang lahat ng China-funded reclamation projects in the Philippines.

Ayon sa mga ulat, dalawa sa anim na inaprubahang reclamation projects sa Manila Bay ay pag-aari ng China Harbour Engineering Company Ltd., isang subsidiary ng China state-owned Communications Construction Co. o CCCC.

Subalit kamakailan ay inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang lahat ng reclamation projects sa Manila Bay maliban sa isang proyekto dahil kailangang pang irebyu ito.

“I welcome the President’s suspension, but government should not approve reclamation projects by China state-owned companies anymore. Certainly not now,” pahayag ni Hontiveros.

Sabi ng senadora, ang CCCC, tulad ng kanilang home country China, ay maraming nagawang paglabag laban sa Pilipinas tulad ng pagtayo ng artificial island sa West Philippine Sea at ang pag-reclaim ng lupa sa Metro Manila.

“China is destroying Philippine territory left, right, and center. Nabawasan lalo ang respeto ko sa Tsina. Nanghihimasok na nga sa Pilipinas, sinisira pa ang ating likas-yaman,” saad ni Hontiveros.

Noong nagdaang taon, naghain si Hontiveros ng Senate Resolution No. 300 para siyasatin ang napaulat na large-scale land reclamation projects sa buong bansa.

Sa naturang resolusyon, binanggit ni Hontiveros ang sinabi ng scientist na si Dr. Giovanni Tapang na may 38,000 ektarya reclamation projects sa buong bansa at 26,232 dito ay sa Manila Bay.

“Kailangang maimbestigan ito sa Senado. Delikado ang mga reclamation areas. Matinding pagbaha ang pwedeng asahan dahil sa pagpapatuloy ng mga reclamation activities,” saad ni Hontiveros.

“Housing and commercial areas in planned reclamation projects will put people in harm’s way. Food security will also be affected, especially since Manila Bay is an important fishing ground. Reclamation will destroy remaining marine habitats, like mangroves, seagrasses, and coral ecosystems,” saad niya. (Dindo Matining)

See Related Story Here:

Hontiveros: Kumpanyang pag-aari ng China palayasin sa Pilipinas

TELETABLOID

Follow Abante News on