WebClick Tracer

DENR chief takot sa mga padrino ng Manila Bay reclamation project – Villar

Inihayag ni Senadora Cynthia Villar na takot si Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga sa mga maimpluwensiyang tao na nagtutulak para sa reclamation project sa Manila Bay.

“I talked to Secretary Loyzaga about this eh. Medyo takot siya kasi ang mga magre-reclaim mga influential sa Pilipinas. Natatakot siya being secretary,” poahayag ni Villar sa pagdinig ng Senate committee on public workers

“Sabi ko, huwag ka matakot. ‘Pag mali, mali. Kung tama, tama,” dagdag pa niya.

Binanggit din ni Villar na 21 Environmental Compliance Certificate ang inaprubahan para sa reclamation activities.

“We have issued 21 ECC to reclaim Manila Bay na ang pinakamaliit is 300 hectare. Twenty-one times 300 hectares. Ano ‘yun, 7,000, 8,000 hectares of Manila Bay,” sabi ni Villar.

Kinuwestiyon din ni Villar si Public Works Secretary Manuel Bonoan sa kanyang pananahimik sa posibilidad na magdudulot lang ng pagbaba sa maraming lugar sa Metro Manila ang reclamation projects sa Manila Bay.

Sabi niya, pinag-aaralan pa niya kung magsasagawa ang kanyang komite – ang Senate committee on environment and natural resources, sa reclamation projects sa Manila bay dahil sa kawalan ng suporta mula sa kanyang mga kasama.

“Wala masyadong nagsu-support ng anti-reclamation except me,” ani Villar.

Sinuportahan ni Senador JV Ejercito ang plano ni Villar. “You’re not alone in that position. I think a lot of senators share the same sentiments, especially with what is happening right now,” sabi ni Ejercito.

Kaugnay naman ng pagbaha sa Pampanga at Bulacan, sinabi ni Bonoan na ikinakasa na nila ang dredging, desilting at pagtatayo ng floodway project para maiwasan ang matinding pagbaha sa dalawang lalawigan.

Sabi ni Bonoan, sinabihan na sila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maliban sa permanent long-term solution, dapat ring umanong hanapan din ng short-term o agarang solusyon na maaaring gawin agad para matigil ang matinding pagbaha sa Bulacan. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on