WebClick Tracer

Andrea Brillantes super happy matapos mapansin ni Rose, namahagi ng pizza sa taping

Super happy ang aktres na si Andrea Brillantes matapos siyang mapansin ng Blackpink member na si Rose.

Sa Instagram story ng dalaga, ibinahagi pa nito ang video ng nasabing Blackpink member at nakalagay na, “Yes po im so happy now”.

At dahil sa sobrang saya ng dalaga, nagpa-pizza pa ito sa taping.

“Super saya ko nagpa libre ako sa taping! HAHA” sey ng dalaga.

Sinundan pa ito ng isang larawan kung saan makikitang may dala-dala ito malalaking box ng pizza.

Kamakailan lang ay nag-trending ang reaksyon ni Rose matapos mabasa ang comment ni Andrea sa kaniyang Instagram live.

(CS)

See Related Story Here:

Andrea Brillantes nakasama ang kaniyang ‘best friend’

TELETABLOID

Follow Abante News on