WebClick Tracer

Alexa Ilacad gustong yumaman para makapagbukas ng animal shelter

Maganda na ay mapagmahal din sa mga hayop ang actress-singer na si Alexa Ilacad.

Sa isang exclusive interview ng Preview, isa raw sa mga dahilan kung bakit todo kayod siya ay dahil gusto niyang makapagpatayo ng animal shelter.

Malaking parte raw kasi ng mental health healing process niya ang Maltese dog niyang si “Blush”.

Matatandaang kailan lang ay ibinunyag ng aktres ang struggles niya sa body dysmorphic disorder o body dysmorphia, isang mental health condition.

“Prior to her, I’ve never really experienced a long-term relationship with animals. But having her just opened this whole new dimension of love,” lahad ng “Pira-Pirasong Paraiso” star.

“I look in her eyes, and I know that I am loved immediately, infinitely, without a single percent of judgment,” dagdag pa niya.

“It’s my dream [magbukas ng animal shelter]. It is the reason I work. It’s the reason [why] I want to be rich. [If I can’t open] my own shelter, [it’s to at least] donate generously to animal shelters.” (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on