WebClick Tracer

Abril ipinadedeklarang national basketball month

Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa ang panukala na ideklara ang buwan ng Abril ng bawat taon bilang national basketball month.

Layunin ng House Bill 7375 na bigyang-diin ang positibong epekto ng basketball sa kultura ang lipunan at ang kahalagahan ng physical activity at malusog na pangangatawan.

Inaatasan ng panukala ang Philippine Sports Commission, sa tulong ng Philippine Olympic Committee, Games and Amusement Board at National Sports Association na lumikha ng programa ng gagawing aktibidad kaugnay ng National Basketball Month.

Sa ilalim ng panukala, ang Department of Education (DepEd) ay inaatasan na palaganapin ang kamalayan ng mga Pilipino sa benepisyong dulot ng basketball at pagsama nito sa physical education activities sa primary at secondary level.

Ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ay inatasan na gumawa ng mga programa na gagawin ng mga lokal na pamahalaan gaya ng pagdaraos ng mga basketball competition. (Billy Begas)

See Related Story Here:

Chinese ambassador iimbitahan sa Kamara

TELETABLOID

Follow Abante News on