WebClick Tracer

Zubiri: Produkto, kumpanya ng China, iboykot

Iminungkahi ni Senate President Juan Miguel Zubiri iboykot na lang ang mga kumpanya ang produkto ng China bilang protesta laban sa patuloy nilang pambu-bully sa West Philippine Sea.

Tulad ng Vietnam, dapat maghanap na umano ang gobyerno na ibang trading partner sa halip na umasa na lang sa China.

“Maghanap din po tayo ng ibang trading partners kung saan mapalago natin at mapaganda natin ang ekonomiya ng ating bansa na hindi po tayo dependent sa China, hindi po tayo nakasandal sa China para sa ating mga produkto,” pahayag ni Zubiri sa panayam sa Radyo 630.

Ayon kay Zubiri, maaari namang magbukas ng free trade agreement ang Pilipinas sa ibang bansa tulad United States, European Union, Australia, New Zealand at ibang bansa sa Southeast Asian.

“Para sa ganun i-boycott na lang natin yung mga Chinese-made products, i-boycott na lang natin yung Chinese companies na pumapasok dito para ipakita natin ang galit natin sa kanila sa ganoong paraan,” saad ni Zubiri.

Nauna nang kinondena ni Zubiri ang pag-water cannon ng Chinese Coast Guard sa Philippine Coast Guard habang nasa resupply mission sa Ayungin Shoal sa West Philippine noong nagdaang linggo.

Sabi ni Zubiri: “It is a show of its diplomatic duplicity: of professing friendship, but practicing hostile behavior. Bobolahin tayo nila na kaibigan daw sila natin. Tapos sa isang iglap bobombahin ng tubig ang ating mga barko”. (Dindo Matining)

See Related Story Here:

Zubiri: Pilipinas isa sa mga top importer ng armas sa ASEAN

TELETABLOID

Follow Abante News on