WebClick Tracer

Vice Ganda kay Anne Curtis: ‘Ang ganda mo pero ang dumi mo kumain’

May hirit si Vice Ganda kay Anne Curtis matapos nitong mapansin na madumi itong kumain. Sa Instagram story ni Vice, napansin nito na madumi kumain ang aktres.

“Ang ganda mo pero ang dumi mo kumain,” sey ni Vice.

“Dumi, salaula!” dagdag pa nito.

Kumakain kasi si Anne ng wafer at mapapansin na nagkalat ang ilang bahagi nito sa mesa.

“Maputi lang talaga kaya kala mo malinis sa katawan eh,” hirit pa ni Vice.

Napansin din ni Vice na pati ang kilay ni Anne ay may dumi ng wafer.

“Pati kilay may wafer,”

(CS)

See Related Story Here:

Kiray Celis kay Vice Ganda: ‘Mahal na mahal kita mama’

TELETABLOID

Follow Abante News on