WebClick Tracer

Vic, Pauleen girl ulit ang second baby

Umiyak daw si Bossing Vic Sotto nang malaman ang gender ng ikalawa nilang anak ni Pauleen Luna.

Kinumpirma ni Pauleen na “it’s a girl!” ang ipinagbubuntis niya sa showbiz writer na si Gorgy Rula.

Ginanap daw sa kanilang tahanan ang gender reveal party noong Lunes, August 7 na inorganisa nina Danica Pingris at Joy Sotto.

Ani Pauleen, ginawa nila ang gender reveal party para kay Tali na pinaka-excited sa kanila.

Gusto raw kasi ni Tali ay magkaroon siya ng baby sister.

Samantala, sa kanyang Instagram ngayong Martes, August 8 nag-share si Pauleen ng ilang pasilip sa ginanap na gender reveal. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on