WebClick Tracer

Team USA tinambakan ang Puerto Rico

Tinambakan ng Team USA ang Puerto Rico sa isang tune-up game, 117-74.

Nanguna para sa USA si Anthony Edwards at Cameron Johnson na nakapagtala ng 15 puntos habang si Mikal Bridges ay mayroong 14 puntos.

Tumulong din sa opensiba sina Jaren Jackson Jr, Bobby Portis, Jalen Brunson at Brandon Ingram, na pare-parehas na mayroong double figures.

Bago magsimula ang FIBA World Cup, may tune-up game pa ang USA laban sa Slovenia at Spain. Ang FIBA World Cup ay gaganapin sa Pilipinas, Japan at Indonesia mula Agosto 25 hanggang Setyembre 10. (CS)

See Related Story Here:

Team USA ipinasilip ang uniporme para sa FIBA World Cup

TELETABLOID

Follow Abante News on