WebClick Tracer

Tax amnesty extension, batas na kahit walang lagda ni BBM

Ganap nang batas ang Republic Act No. 11956 na nagpapalawig sa estate tax amnesty matapos itong mag-lapse at hindi dumaan sa paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang enrolled bill ay nag-lapse at naging ganap na batas noong August 5 .

Nakapaloob sa bagong batas na pinapalawig hanggang June 14, 2025 an estate tax amnesty, at saklaw rin ng amnestiya ang estates ng mga pumanaw na bago May 31, 2022.

Sa ilalim ng nabanggit na batas, maaaring bayaran ang estate tax ng installment sa loob ng dalawang taon mula sa statutory date nito ng walang multa at interes.

Maaaring gawin ang pagbabayad ng tax amnesty sa pamamagitan ng electronic payment o manual payment sa mga awtorisadong agent ng bangko, o sa pamamagitan ng Revenue Collection Officer o sinumang awtorisadong tax software provider.

Magkakabisa ang bagong batas 15 araw matapos itong mailathala sa Official Gazette o sa dalawang pahayagan na mayroong general circulation. (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on