WebClick Tracer

SB19 handler kinainisan ng mga fan sa US world tour

WASHINGTON DC – Buwisit ang A’Tin, ang SB19 fan club, sa bagong handler ng Filipino Boy Band na kasalukuyang nagsasagawa ng world tour sa U.S. at Canada.

Ilang fan na naghintay ng ilang oras ang sumama ang loob sa team na humahawak sa SB19 dahil pinagbawalan sila ng mga ito na makuhanan ng picture at video ang pagdating nito sa tinutuluyang hotel sa Virginia.

Maging ang ilang line producer ay nainis din sa inasal ng team ng SB19 dahil sa mga pagbalewala ng mga ito sa mga sasakyan at tour trip na inihanda nila para sa naturang grupo na binayaran nila ng libo-libong dolyar.

Hindi man lang daw sila inabisuhan ng coordinator nito na hindi na nila kailangan ng sasakyan na binayaran ng line producer ng $3,000.

Ang handler daw ng SB19 ang nag request ng sasakyan at tour.

Tinabla rin ng handler ng SB19 ang Philippine Media na nag-cover ng world tour.

Ayon sa ilang U.S base producer, tila lumalaki na raw ang ulo ng mga handler ng SB19 simula ng mag bago ang management na humahawak sa Filipino boy band na umaani ng kasikatan ngayon.

Ilang U.S. base producer naman ang nalugi sa SB19 world tour dahil hindi naman napuno ng tao ang ilang concert nito. (Dave Llavanes Jr.) 

See Related Story Here:

SB19 hinataw ang ‘Gento’ sa US morning show

TELETABLOID

Follow Abante News on