WebClick Tracer

Rosmar Tan, P50K kada buwan bayad sa kuryente

Isiniwalat ng internet personality at Filipino entrepreneur na si Rosmar Tan na P50,000 ang bill niya sa kuryente kada buwan.

Sinabi niya ito sa latest vlog ni Alex Gonzaga na may title na “Pinakamalakas na House Raid”.

Makikita rin sa house raid ni Alex ang ilang mamahaling naipundar ni Tan gaya ng mga sports car na Lamborghini at Ferrari.

May mamahaling ding mga alagang isda si Tan.

Ipinasilip din ang ilang mga property niya.

Si Tan ay CEO ng isang renowned beauty products company.

Kilala rin siya sa mga beauty vlog.

Kamakailan ay naglabas siya ng mga controversial song tulad ng “Utang” at “Manalamin”. (IS)

See Related Story Here:

Mga netizen nawindang sa pasilip ng singit ni Rosmar Tan

TELETABLOID

Follow Abante News on