WebClick Tracer

Rep. Co: Kapakanan ng mga Pinoy gawing prayoridad sa pagpasa ng 2024 budget

Elizaldy Co

Ipinaalala ni House Committee on Appropriations chairperson at Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co sa mga kapwa kongresista na gawing prayoridad sa pagtalakay sa panukalang P5.768 trilyong budget ang kapakanan ng mga Pilipino.

Ginawa ni Co ang pahayag matapos ang isinagawang executive meeting ng Appropriations committee kung saan tinalakay ang schedule at rules na gagamitin sa pagdinig ng budget.

“Let us also look ahead with renewed optimism and enthusiasm as we again give our full support to the immediate consideration and passage of the P5.768 trillion FY 2024 proposed budget submitted by the President to Congress last August 2, 2023,” sabi ni Co.

“Our journey continues, and together, we will face these new challenges and build upon the foundation of economic transformation embodied in the Philippine Development Plan 2023-2028,” dagdag pa ng mambabatas.

Sinabi ni Co na mahalaga na maging transparent ang pagtalakay sa mga programa at proyekto alinsunod sa 8-Point Socio-Economic Agenda ng administrasyong Marcos.

“As we embark on this important task, let us be guided by our shared mission and commitment to uplift the lives and well-being of the citizens, society, and the nation, towards a better and brighter future for the Philippines,” giit ni Co. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on