WebClick Tracer

Rendon Labador pinuri si Ogie Diaz: ‘Buti pa si pareng Ogie kahit papano may ambag’

Plus points para kay Rendon Labador si Ogie Diaz. Sa Instagram story ni Rendon, pinuri at sinabing “napatawa” pa siya ni Ogie.

“Dahil napatawa tayo ni pareng Ogie Diaz, bigyan natin siya ng +1. Buti pa si pareng Ogie kahit papano may ambag,”

“Yung isa dapat ibalik nalang sa spirit of the glass,” dagdag pa nito.

Kamakailan lang ay inihayag ni Ogie na okay lang kung tirahin siya ni Rendon.

Sa ‘Showbiz Update’, tinanong si Ogie ng co-host niya kung paano raw kung siya naman ang sunod na tirahin ni Rendon.

“Okay lang,” sagot ni Ogie.

“Hindi ako galit kay Rendon. May mga mali siyang sinasabi… may punto rin naman siya. At the end of the day kapag kinalaban mo si Rendon o kinalaban ako ni Rendon tapos hindi kami magkita sa gitna, wala ring mangyayari,” dagdag pa nito.

(CS)

See Related Story Here:

Rendon Labador dehins maka-move on kay Cristy Fermin

TELETABLOID

Follow Abante News on