WebClick Tracer

PCG umaming may kapabayaan sa Laguna de bay tragedy

Inamin ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Artemio Abu na nagkaroon ng kapabayaan sa kanilang hanay kaugnay ng paglubog ng MB Princess Aya sa Laguna de Bay noong Hulyo 27 na ikinasawi ng 27 katao.

“One thing is certain, there was negligence on the part of our people and we are brave enough to accept the consequences of our actions,” pahayag ni Abu sa pagdinig ng Senate committee on public services.

“Based on our investigations, it proved that there was negligence on the part of our personnel. Yes, our personnel [have] really committed negligence on this. Maliwanag naman na may pagkukulang ang mga tao natin,” dagdag pa niya.

Hindi naman pinaliwag ni Abu kung ano ang naging kapabayaan ng PCG subalit sa inisyal na imbestigasyon, ang paglubong ng MB Princess Aya ay dahil umano sa overloading.

Samantala, sinabi pa ni Abu na pinalitan na ang mga tauhan ng PCG na nakatalga sa operasyon ng pier sa Binangonan.

“Ni-relieve po natin sila. Ang substation commander na siyang hindi nag inspect o hindi [tumingin] doon sa [motorbanca] at yung kanyang immediate supervisor ay meron na po tayong sanction,” saad ni Abu.

Kaugnay nito, hiniling ni Senador Raffy Tulfo sa Maritime Industry Authority (MARINA) na huwag nang payagang maglayag walang sapat na bilang ng life vest.

Aniya, hindi dapat payagan ng MARINA ng lumayag ang mga motorized banca na hindi sumusunod sa 1:1 na life vest.

Napag-alaman na 50 lamang ang life vest ng bangka gayong aabot sa 70 ang sakay na pasahero subalit 38 lang dapat ang authorized capacity ng motorbanca.

Inirekomenda rin ni Tulfo sa MARINA na bago payagan ang operasyon ay dapat dumaan muna sa inspeksyon para masiguro na seaworthy at tama ang katig ng bangkang pampasahero. (Dindo Matining)

See Related Story Here:

Paglubog ng bangka sa Laguna Lake na ikinasawi ng 27 katao pinaiimbestigahan sa Kamara

TELETABLOID

Follow Abante News on