WebClick Tracer

Paolo Ballesteros hinangaan ang paggaya kay Barbie

Wala na yatang hindi kayang i-impersonate si Paolo Ballesteros gamit lamang ang makeup!

Muli ngang hinangaan ang galing ni Paolo sa pagmi-makeup matapos niyang gayahin ang character na si Barbie.

“Ur mama iza Vorbie,” caption niya sa kanyang post.

Maging si Vice Ganda ay napa-comment kay Paolo.

“Ghorl mukha ka talagang laruang manika. Di kita kering makita in person. Shokbo si watazzz,” saad ni Vice.

“Habulin kita,” reply ni Paolo.

“Grabe ka Pau husay husay,” comment naman ng veteran actress na si Carmi Martin. (IS)

See Related Story Here:

Video ni Paolo Ballesteros kasama anak sa drag show viral na!

TELETABLOID

Follow Abante News on