WebClick Tracer

Olivia Rodrigo maglalabas pa ng isang kanta

Maglalabas pa ng isang kanta ang Filipino-American pop star na si Olivia Rodrigo, ito ay may pamagat na ‘Bad Idea Right?’.

Ang nasabing kanta ay ilalabas sa Agosto 11. Sa Instagram post ng dalaga, inanunsyo na rin nito ang paparating na kanta.

“bad idea right? this friday” sey ng dalaga.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Olivia Rodrigo (@oliviarodrigo)

Kamakailan lang ay inilabas naman nito ang music video para sa bagong niyang awitin na ‘Vampire’.

Samantala, ang paparating na album ni Olivia na ‘GUTS’ ay ilalabas sa Setyembre 8. Bago ang ‘GUTS’, unang inilabas ng dalaga ang album na ‘SOUR’. Kabilang sa mga sikat na awitin na nasa ‘SOUR’ ang ‘traitor’, ‘drivers license’, ‘deja vu’ at ‘favorite crime’.

(CS)

See Related Story Here:

 

‘Vampire’ ni Olivia Rodrigo, nasungkit ang top spot sa Billboard Hot 100

TELETABLOID

Follow Abante News on