WebClick Tracer

Maraming gutom dahil mahal ang bog-chi

Marami umanong mga Pilipino ang nakararanas na walang makain dahil mataas ang presyo ng pagkain.

Ayon kay AGRI party-list Rep. Wilbert Lee, nananatiling mataas ang presyo ng pagkain sa kabila ng pagbagal ng inflation rate.

“Patuloy mang bumababa ang inflation rate natin, hindi ito mararamdaman ng ordinaryong mamamayan hangga’t di natin gagawing mas abot-kaya ang presyo ng mga pangunahing bilihin lalong-lalo na sa pagkain at inumin, partikular na sa bigas at gulay,” sabi ni Lee.

Ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS) noong Hunyo, nasa 10.4% ng pamilyang Pilipino ang nagsabi na naranasan nila na walang makain tumaas kumpara sa 9.8% na naitala noong Marso.

Sinabi ni Lee na mahalaga na mapababa ang presyo ng mga bilihin upang mas maraming pagkain ang mabili ng mga ordinaryong Pilipino.

“Kailangan natin ng mga permanenteng solusyon para mapababa ang presyo ng pagkain katulad ng karagdagang post-harvest facilities at mga batas na magpapadali at magpapabilis sa transportasyon ng mga produktong agrikultural mula sakahan hanggang hapag-kainan,” dagdag pa ni Lee. (Billy Begas)

See Related Story Here:

Mga magsasaka sa bansa kumokonti na – AGRI Rep. Wilbert Lee

TELETABLOID

Follow Abante News on