WebClick Tracer

Manila Bay Reclamation projects pinaiimbestigahan sa Kamara

Naghain ng resolusyon ang mga kinatawan ng ACT-CIS party-list upang paimbestigahan sa Kamara ang Manila Bay Reclamation projects at ang magiging epekto nito sa kalikasan at seguridad ng bansa.

Sa House Resolution 1171, binigyan-diin nina Representatives Erwin Tulfo, Jocelyn Tulfo, at Edvic Yap ang kahalagahan na matukoy ang posibleng epekto ng proyekto.

“The preservation and security of our nation are of paramount importance, and any activity that may impact our national security requires scrutiny,” sabi sa resolusyon.

Bagamat mayroon umanong magiging pakinabang ang ekonomiya ng bansa sa reclamation project dapat umanong timbangin ang magiging negatibong epekto nito sa bansa.

“Although the ongoing land reclamation may offer potential economic benefits and development opportunities, it also raises concerns about its environmental impact, such as the alteration of coastal processes, and the possible effects on water quality and marine biodiversity,” it said.

Binanggit din sa resolusyon ang alinlangan ng Estados Unidos sa epekto ng proyekto sa kalikasan.

“The United States also raised concerns that the reclamation project have ties to the China Communications Construction Co., which was cited by the World Bank and the Asian Development Bank for engaging in fraudulent business practices,” sabi pa sa resolusyon. (Billy Begas)

See Related Story Here:

Gobyerno hindi dapat pa-pressure sa US sa Manila Bay reclamation project – Escudero

TELETABLOID

Follow Abante News on