WebClick Tracer

Joshua Garcia seryosohan na ang pagluluto, nag-aaral ng culinary

Nag-aaral ngayon ang aktor na si Joshua Garcia ng culinary.

Nag-post siya sa Instagram ng larawan habang siya’y nasa isang culinary class.

“Thank you @chefgenegonzales,” saad ni Joshua sa Instagram story.

Proud ding ibinahagi ng kanyang trainer na si Chef Gene Gonzalez sa Instagram ang ilang larawan habang tinuturuan ang aktor.

“Proud to handle the first day of our new student, Joshua Garcia…. Great Stamina considering he did 2 days worth of lectures and lab work today!!!” saad ng naturang chef sa kanyang post.

Bukod kay Joshua, ilan pang celebrity na dumaan sa training ni Chef Gonzalez sina Jodi Sta. Maria, Judy Ann Santos, Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli at Pia Wurtzbach.

Last week lang ay nag-viral si Joshua matapos siyang i-tag ng rumored girlfriend na si Emilienne Vigier sa isang video, kung saan makikita ang lalaking nagluluto ng carbonara, na pinaniniwalaang ang Kapamilya actor. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on