WebClick Tracer

Jordan Clarkson dumating na sa ‘Pinas

Ilang araw bago magsimula ang 2023 FIBA World Cup, dumating na sa Pilipinas si Jordan Clarkson. Ang 31 taong gulang na guard ay sasamahan ang Gilas Pilipinas para sa paghahanda sa nasabing torneyo.

“I think we got a good chance to do some things, hopefully we’d win some games,” ayon kay Clarkson.

Magsisimula ang kampanya ng Gilas sa World Cup laban sa Dominican Republic sa Agosto 25 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Samantala, noong nakaraang buwan lang ay pumirma ng panibagong kontrata sa Jazz si Clarkson. Sigurado na ang tatlong taon ni Clarkson sa Jazz, ang nasabing kontrata ay nagkakahalaga ng $55 milyon.

“Utah’s Jordan Clarkson, Klutch Sports CEO Rich Paul and agent Brandon Cavanaugh are finalizing a three-year, $55 million contract renegotiation and extension with the Jazz,” ayon kay Shams Charania ng The Athletic at Stadium.

Si Clarkson ay may average noong nakaraang season na 21 puntos at 4.4 assists. (CS)

See Related Story Here:

Jordan Clarkson batak para sa Gilas

TELETABLOID

Follow Abante News on