WebClick Tracer

Jabari Parker maglalaro para sa FC Barcelona

Nasungkit ng FC Barcelona ang dating NBA No. 2 overall draft pick na si Jabari Parker. Ang 28 taong gulang na forward ay huling naglaro noong 2021-22 season para sa Boston Celtics.

Sa loob ng walong season para sa anim na koponan sa NBA, may average ito na 14.1 puntos at 5.5 rebounds sa loob ng 310 na laro.

Si Parker ay napili ng Milwaukee Bucks noong 2014 NBA Draft.

Samantala, inanunsyo naman na ng FC Barcelona ang pagkuha kay Parker. (CS)

See Related Story Here:

Jabari Parker lipat ng Chicago Bulls

TELETABLOID

Follow Abante News on