WebClick Tracer

Habagat magdadala ng ulan sa ilang bahagi ng Luzon

Magdadala ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon ngayong Martes, Agosto 8, ang southwest monsoon o habagat.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), magkakaroon ng maulap na kalangitan sa Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Norte at Ilocos Sur. Mararanasan din sa mga nasabing lugar ang kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog dahil sa habagat. Maaari namang magkaroon ng pagbaha o pagguho ng lupa sa mga lugar na ito dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan.

Samantala, sa Metro Manila naman at iba pang bahagi ng bansa ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may pag-ulan o pagkulog at pagkidlat.

(CS)

See Related Story Here:

Habagat magpapaulan sa western Luzon

TELETABLOID

Follow Abante News on