WebClick Tracer

Direktor ng ‘The Exorcist’ pumanaw na

Pumanaw na ang US director ng “The Exorcist” sa edad na 87 nitong Lunes.

Ayon sa ulat ng Hollywood Reporter, pumanaw si William Friedkin sa kanilang bahay sa Bel Air, Los Angeles, California dahil sa heart failure at pneumonia.

Maliban sa “The Exorcist”, siya rin ang nasa likod ng “The French Connection”, kung saan siya nanalong Best Director.

Ilan sa nagluksa sa pagpanaw niya ang kilalang author na si Stephen King.

“Very sorry to hear of the passing of William Friedkin, a deeply talented filmmaker. THE EXORCIST is great, but for me the real classic was SORCERER,” saad ni King sa isang Twitter post. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on