WebClick Tracer

Dagdag pondo sa defense sector tinukuran sa Kamara

Kamara

Suportado ng Kamara de Representantes ang pagtaas ng pondo ng defense sector sa ilalim ng panukalang P5.768 trilyong budget para sa 2024.

Ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez, mahalaga na mapalakas ang kakayanan ng gobyerno na maproteksyunan ang teritoryo nito.

“Our commitment to safeguarding our territorial integrity and ensuring the safety of our citizens remains unwavering. As a nation, we must take proactive measures to enhance our defense capabilities and ensure that we have the necessary resources to effectively protect our sovereign rights,” sabi ni Romualdez.

Batay sa panukalang 2024 national budget, sinabi ni Romualdez na makatatanggap ang defense sector ng P282.7 bilyon, tumaas ng 21.6% kumpara sa P203.4 bilyong alokasyon dito ngayong 2023.

Ayon sa budget message ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., aabot sa P188.5 bilyon ang pondong mapupunta sa Land, Air at Naval Forces Defense Programs.

“This allocation demonstrates our dedication to maintaining a strong and credible defense posture, one that sends a clear message that we will not compromise when it comes to safeguarding our national interests,” sabi ni Romualdez.

“We must remember that a strong defense is not merely a tool for confrontation, but a means to uphold peace, stability, and the rule of law,” dagdag pa ng solon.

Iginiit ni Romualdez na ang pagtiyak na may kakayanan ang bansa na ipagtanggol ang teritoryo nito ay responsibilidad ng gobyerno.

“By prioritizing our defense sector in the budget, we are making a commitment to our people, to our allies, and to the international community that reflects our unwavering resolve to protect our sovereignty and promote regional stability,” sabi pa ni Romualdez.

Suportado rin ni Romualdez ang pagrereklamo ng gobyerno laban sa panibagong pangha-harass ng Chinese Coast Guard sa barko ng Philippine Coast Guard at dalawang bangka na magdadala ng pagkain, tubig at iba pang suplay sa mga sundalong nakabase sa Ayungin Shoal. (Billy Begas)

See Related Story Here:

Panukala na palitan 46-anyos na Building Code umusad sa Kamara

TELETABLOID

Follow Abante News on