WebClick Tracer

Confirmed! Manager ni Liza Soberano nakakulong sa BI facility

Kinumpirma ni Immigration Spokesperson Dana Sandoval ang paghuli kay Careless CEO Jeffrey Oh, na business partner ni James Reid at manager ni Liza Soberano.

Inaresto raw si Oh noong July 28 dahil sa kawalan ng visa at work permit.

“Totoo po ang lumabas na reports nitong nakaraang linggo na inaresto ng awtoridad ang 34 year old business partner ni James Reid na si Jeffrey Oh dahil wala diumano itong work permit sa bansa,” saad ni Boy Abunda sa “Fast Talk with Boy Abunda” ngayong August 8.

“Inaresto si Jeffrey ng mga immigration operatives noong July 28 sa Poblacion, Makati matapos makatanggap ang Bureau of Immigration ng reklamo na wala diumanong visa at work permit si Jeffrey,” dagdag pa niya.

Wala pang inilalabas na komento hinggil dito ang Careless. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on