WebClick Tracer

Zubiri: Pilipinas isa sa mga top importer ng armas sa ASEAN

Panahon na para isabatas ang panukalang Philippine Defense Industry Development Act bilang suportado sa pagsisikap na makabuo ng makatotohanan at konkretong defense program para sa bansa, ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri.

Sa gitna ng alalahanin kaugnay ng soberenya ng bansa, sinabi ni Zubiri na kailangan na umanong pasiglahin ang Self-Reliance Defense Posture program at magbuo ng local defense industry na magsusuplay ng pangangailangan ng sandatahang lakas ng bansa.

Bagama’t pinapahalagahan din ang kooperasyon ng Pilipinas sa mga kaalyadong bansa, sinabi ni Zubiri na hindi kailangan umasa na lang ang bansa sa kanilang tulong.

“Nakakaawa po na kailangan pa natin halos manglimos mula sa ibang bansa, para mabigyan ng armas at bala ang ating mga sundalo. ‘Yan po ang nangyari noong Marawi, we are very familiar with that,” pahayag ni Zubiri sa pagdinig ng Senate committee on national defense.

“Ayoko na pong maulit ang ganyang eksena kung saan umikot pa ang ating Presidente sa iba’t ibang bansa para humingi ng bala at armas sa ating mga kababayan—na binubuwis ang buhay nila para sa ating demokrasya,” pahayag ni Zubiri.

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay sa mga top imported ng armas sa Southeast Asia kung saan naglalaan ang gobyerno $338 milyon para dito. Pinakamalaki ang Singapore ng gumagastos ng $361 milyon at pangalawa ang Myanmar ($394 milyon).

“Unlike Singapore, however, we have a great deal of resources at our disposal. And unlike Myanmar, we are not operating under military rule. So why is our arms importation nearly as costly as theirs?” tanong ni Zubiri.

Hamak na mas malayo umano sa Indonesia na gumagastos lamang ng $68 milyon para sa kanilang arms imports.

“Ibig pong sabihin, malaki po ang manufacturing ang manufacturing industry ng Indonesia sa arms at armaments, at maliit lang ang iniimport nila,” saad ni Zubiri. (Dindo Matining)

See Related Story Here:

Posisyon ng Senado sa WPS nirerespeto ni PBBM – Zubiri

TELETABLOID

Follow Abante News on