WebClick Tracer

Yasmien Kurdi, iskolar ng ‘BS Anti-Silos’ sa Jak Roberto University

Patok sa netizens ang ishinare na litrato ni Yasmien Kurdi kung saan makikitang nakaluhod siya kay Jak Roberto.

Nilagyan kasi ito ni Yasmien ng nakatutuwang caption na:

“Scholar sa JRU (Jak Roberto University) BS Anti-Silos AntiSilos.”

Matatandaang hinahangaan ng mga netizen si Jak dahil nananatili raw itong kalmado at hindi nagseselos kapag may lambingan sa social media ang girlfriend niyang si Barbie Forteza at ka-love team na si David Licauco.

Tinawag pa si Jak na Patron Saint of Anti-Selos.

Narito ang comment ng ilang netizen sa viral post sa Facebook ni Yasmien, na mayroon nang 111,000 haha react at 18K shares.

“May face to face class na pala ang Prof. Jak Roberto University.”

“Pati mga artista dinodogshow na si Jak HAHAHAHAHHHA.”

“Grabe ung tawa ko dito.”

“Nahihirapan ka na ba? Enroll na! Haha.”

“Ayaaan na nga baaa HAHAHAHA.” (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on