WebClick Tracer

Yari kay Rendon? Donny Pangilinan nambulabog sa Divisoria

Nag-shooting sa Divisoria si Donny Pangilinan para sa teleserye nila ni Belle Mariano na “Can’t Buy Me Love”.

Ilang litrato ng naganap na shooting ang ibinahagi sa Facebook ng Star Creatives Television.

Makikita sa ilang larawan na nagmamaneho si Donny ng sidecar na may sakay na mga paninda.

Ang “Can’t Buy Me Love” ay kauna-unahang teleserye ng DonBelle.

Samantala, ilang netizen naman ang nag-comment na baka raw ito ang sunod na banatan ng social media personality na si Rendon Labador.

“Naku po Donny bukas bukas Ikaw Naman Ang sisitahin ni Rendon,” sey ng netizen na si Nipsirc SirKap.

Matatandaang nag-viral noon ang pagbanat niya kay Coco Martin dahil sa pagsu-shooting ng teleserye sa Quiapo, na nakakaabala raw sa mga vendor. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on