WebClick Tracer

Tulfo: Pagpapadala ng senior officer sa mga military school sa China, sampal sa mukha ng mga Pinoy

Naalarma ang ilang senador sa programa ng Armed Forces of the Philippines na pagpapadala ng mga senior officer sa military school sa Beijing, na anila’y sampal sa mukha ng mga Pilipino sa gitna ng bagong pagha-harass ng China Coast Guard sa Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea.

Sa pagdinig sa Senado, ibinunyag ni Senador Francis Tolentino ang nilang ng mga mataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines na nakumpleto ang kanilang pag-aaral sa Beijing Military Academy at iba pang training institution sa People’s Liberation Army.

Nakatanggap din umano siya ng impormasyon na nagpadala din Philippine National Police Academy ng mga kadete para sanayin sa China.

Samantala, pinahinto na ng Philippine Military Academy, ang pangunahing military school sa bansa, ang patanggap ng mga kadeta mula sa United States since 2008.

“This is indeed very alarming. This has to be explained,” sabi ni Tolentino sa mga opisyal ng AFP at Department of National Defense.

“We have not been accepting cadets from our (military) treaty ally while we have been sending (our soldiers) to the country harassing us in the West Philippine Sea… What’s the rationale behind this? How did this happen?” tanong niya.

Paliwanag naman ni Defense Senior Undersecretary Irineo Espino, may military exchange program umano ang AFP sa China subalit tanging mga opisyal na may ranggong Colonel o mas mataas pa dito ang nakaka-avail ng pagsasanay sa Beijing.

Sabi pa ni Espino, wala pa siyang narinig na may PMA cadet na pinayang dumalo sa Chinese military school.

Naalarma din Senador Jinggoy Estrada, chairman ng Senate national defense committee sa rebelasyon na ito ni Tolentino.

“This is the first time I heard this… I find it very, very alarming that we are sending or encouraging our cadets and senior military officers to Beijing,” ani Estrada.

Sabi naman ni Senador Tulfo, dapat matigil na ang programang ito dahil mistulang sampal umano ito sa mga Pilipino dahil sa patuloy na pambu-bully ng China sa =West Philippine Sea.

“This has to stop. It’s a slap on our face because while China is bullying us, our military could not retaliate,” ani Tulfo.

“We have to stop all dealings with China on military training, especially now with our maritime dispute and China’s bullying of our troops,” dagdag niya. (Dindo Matining)

See Related Story Here:

PNP-ACG nagsarili sa Las Piñas POGO raid, hindi isinama ang IACAT – Tulfo

TELETABLOID

Follow Abante News on