WebClick Tracer

Tali sobrang sweet, minasahe ang ulo ni Pauleen Luna

Ibinida ni Pauleen Luna ang pagiging sweet ng kaniyang anak na si Tali. Sa Instagram story ni Pauleen, makikita ang video kung saan minamasahe ni Tali ang ulo ng aktres.

“Head massage for mommy please.” sey ni Pauleen.

Sa sumunod naman na parte ng video, makikitang inilapit pa ni Tali ang mukha niya kay Pauleen. Natuwa naman dito si Pauleen.

Samantala, kamakailan lang ay inanunsyo ni Vic Sotto sa ‘National Dabarkads Day’ ng ‘E.A.T’ na buntis ang kaniyang misis na si Pauleen.

“Dahil celebration of love, gusto ko lang i-announce na nagbunga ang aming pagmamahalan,” sey ni Vic.

Ito na ang magiging ikalawang anak ni Pauleen at Vic.

(CS)

See Related Story Here:

Pauleen Luna ipinasilip ang baby bump

TELETABLOID

Follow Abante News on