WebClick Tracer

Senado pinuri PH women’s football team

Kinilala ng Senado ang mga miyembro Filipinas Women’s Football Team para sa makasaysayang panalo nito laban sa host country ng FIFA Women’s World Cup 2023 sa New Zealand.

Pinagtibay ng mga senador ang Senate Resolution 715 na nagpapahayag ng pagbati at papuri ng Senado sa Philippine Women’s National Football Team dahil sa phenomenal at historic performance sa FIFA 2023.

Tinalo ng Filipinas ang New Zealand sa score na 1-0 para maitala ang unang puntos at unang panalo sa FIFA World Cup. Ito rin ang unang paglahok ng Pilipinas sa FIFA World Cup.

Dumalo sa sesyon nitong Lunes ang mga kasapi ng Filipinas team at personal na kinilala at pinapurihan ng mga senador.

Ikinuwento ni Senadora Pia Cayetano, ang head ng delegasyon ng Pilipinas ang kanilang naging karanasan sa loob ng Wellington Regional Stadium kung saan naitala ang makasaysayang unang goal ng bansa na nagbigay ng kasiyahan sa mga Pilipino.

“The historic first goal sparked a thrilling atmosphere of pure joy and pride among Filipinos around the world, especially in the stadium where our kababayans made their presence felt,” pahayag ni Cayetano sa kanyang sponsorship speech.

Bagama’t kokonti lang ang mga Pinoy na nasa stadium, sinabi ng senadora na hindi sila nagpatinag sa ibang lahi at tuloy ang sigaw ng suporta at kasiyahan ng bansa sa nakamit na tagumpay.

“Outnumbered as we were, there was no way of not being heard. And I asked the girls if they heard the cheers of the Filipinos and their answer was yes, right? And even those from far away, they knew were cheering in the watch parties, in our own Senate lounge cheering for them. So that was a special day for us, your honors, in Wellington,” sambit pa ni Cayetano.

Binanggit din ng senadora ang makasaysayang unang goal ni Sarina Bolden at ang matibay na depensa ni Olivia McDaniel na nagpanalo sa laban kontra New Zealand. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on