WebClick Tracer

Para hindi sumobra pagkakakulong: Yamsuan itinulak electronic monitoring system para sa mga preso

Itinulak ni Bicol Saro party-list Rep. Brian Raymund Yamsuan ang paglikha ng electronic monitoring system upang madaling malaman kung sobrang panahon na ang iginugol ng isang preso sa loob ng kulungan.

Ang paglikha ng monitoring system ay nakapaloob sa House Bill 8672 na inihain ni Yamsuan para maitayo ang Department of Corrections and Jail Management (DCJM).

Bukod sa mga impormasyon ng person deprive of liberty (PDL), makikita sa panukalang monitoring system ang mga rehabilitation program na sinalihan ng preso at kung handa na itong maisama muli sa lipunan.

“With a comprehensive monitoring system in place, PDLs who are still languishing in jail but are eligible for release can be easily tracked, thus helping decongest our crowded penal facilities,” sabi ni Yamsuan.

Binanggit din ni Yamsuan ang ulat noong nakaraang kaugnay ng 176 bangkay ng PDL na namatay sa loob ng New Bilibid Prison na itinambak sa isang purenarya.

“These unfortunate instances underscore the urgency of instituting reforms in the way we manage our penal facilities, which we can only begin to accomplish by unifying our fragmented correctional system,” dagdag pa ni Yamsuan, dating assistant secretary ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Sa ilalim ng HB 8672, isasailalim sa DCJM ang Bureau of Corrections, na ngayon ay pinangangasiwaan ng Department of Justice (DOJ); Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nasa ilalim ng DILG; mga correctional at jail service na pinatatakbo ng provincial governments, Board of Pardons and Parole (BPP) at Parole and Probation Administration (PPA). (Billy Begas)

See Related Story Here:

Rep. Yamsuan itinulak pagtatayo ng Department of Corrections and Jail Management

TELETABLOID

Follow Abante News on