WebClick Tracer

P2.5B nakalaan para sa libreng pa-Wi-Fi ng gobyerno sa 2024

May nakalaang P2.5 bilyon sa ilalim ng 2024 national expenditure program (NEP) para sa libreng Wi-Fi ng gobyerno.

Ayon sa budget message ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., mayroong P9.9 bilyong budget ang Department of Information and Communication Technology (DICT) sa ilalim ng 2024 NEP upang maging “future-ready” ang Pilipinas sa pamamagitan ng digitalization.

Sa naturang pondo, P2.5 bilyon umano ang nakalaan sa Free Internet Wi-Fi Connectivity in Public Places and SUCs program kung saan 50,000 sites ang bubuksan para sa broadband access/connectivity sa 82 lalawigan.

May nakalaan naman umanong P1.7 bilyon para sa implementasyon ng National Government Data Center Infrastructure at P998 milyon para sa ICT Systems and Infrastructure Development, Management and Advisory Program ng gobyerno.

May itinabi umanong P303 milyon para sa National Government Portal upang maikabit dito ang website ng iba’t ibang ahensya.

Ang National Broadband Plan na naglalayong pabilisin at pababain ang presyo ng internet sa bansa ay may nakalaang P1.5 bilyon. (Billy Begas)

See Related Story Here:

10k libreng Wi-Fi site, bubuhayin ng DICT

TELETABLOID

Follow Abante News on