WebClick Tracer

Ogie Alcasid, APO Hiking Society bibida sa ‘PNoy’s Playlist: The Concert’

Bibida sa ‘PNoy’s Playlist: The Concert’ si Ogie Alcasid at ang APO Hiking Society, ito ay gaganapin sa Hyundai Hall, Areté, Ateneo de Manila University, Agosto 11.

“Minsan na rin silang naka-jam ni PNoy sa kantahan! Sa PNoy’s Playlist: The Concert muli natin silang mapapanood na awitin ang mga paboritong kanta ng isang mabuting kaibigan at mabuting Pilipino.”

Bukod kay Ogie at APO, kasama rin sina Noel Cabangon, Lara Maigue, Pinky Marquez, Leah Navarro, Mike Shimamoto, Mitch Valdes, kasama ang Playlist Singers – Jay Barrameda, Cara Barredo, Ricci Chan, Gerard Dy, Naths Everett, Carlon Josol, Ivan Panganiban, Kyla Rivera at Ronah Rostata.

Ang pagpaparehistro ay mula Hulyo 29 hanggang Agosto 6 at ito ay “first come, first served basis”.

Libre umano ang concert ngunit maaaring magbigay ang ticket holders ng anumang halaga.

“The concert is free but we are hoping ticket holders could donate any amount inspired by PNoy’s presidential call sign “7-5” to the Benigno Simeon Aquino III Scholarship Endowment.”

(CS)

See Related Story Here:

Vhong Navarro, Ogie Alcasid saludo sa TVJ

TELETABLOID

Follow Abante News on