WebClick Tracer

Mga Sibuyanon nagsama-sama sa anti-mining rally

Mahigit 1,000 Sibuyanon ang nakiisa sa isinagawang anti-mining rally sa Taclobo Public Plaza nitong Agosto 6.

Muli nilang kinalampag ang Department of Environment and Natural Resources sa pagkansela sa Mineral Production Sharing Agreement ng Altai Philippines Mining Corporation (APMC).

Gayundin ang pag-apruba ng Sangguniang Bayan ng San Fernando sa tatlong barangay ordinance sa San Fernando na nagpapatupad ng mining moratorium sa mga barangay ng Taclobo, Pili at EspaƱa.

Noong Pebrero ay pinatigil ng DENR ang operasyon ng APMC sa Sibuyan Island sa Romblon dahil sa ilang diumano’y paglabag.

Sinuspinde rin ng DENR ang ore transport permit na inisyu sa APMC at inutusan ang mining firm na ihinto ang pagdadala ng nickel ore mula sa contract site patungo sa causeway.

TELETABLOID

Follow Abante News on