WebClick Tracer

Mas marahas na aksyon laban sa China hirit ng CDO rep

Hinimok ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gumawa ng mas marahas na aksyon laban sa China kaugnay ng panibagong pangha-harass sa West Philippine Sea (WPS).

“I ask the President to downgrade our embassy in Beijing to show our deep indignation, anger and protest over the water cannon blast by the Chinese Coast Guard on our personnel,” sabi ni Rodriguez.

“The President should also order our unusually quiet and inactive ambassador there to return to Manila and to replace him with a lower-level diplomatic officer,” dagdag pa ng mambabatas.

Iginiit ni Rodriguez ang pangangailangan na tugunan ng administrasyon ang paglabag sa soberanya at karapatan ng bansa sa WPS.

“We cannot allow these harassment and bullying tactics and encroachment on our maritime territory to continue. We have to take more drastic actions, instead of filing the usual diplomatic protest note,” giit ni Rodriguez.

Nagpahayag din ng pagsuporta si Rodriguez sa hakbang ni Marcos na palakasin ang alyansa nito sa mga bansa gaya ng Estados Unidos at iba pang bansa sa Asya-Pasipiko. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on