WebClick Tracer

JJ Barea magiging head coach sa Puerto Rico

Magiging head coach na sa Puerto Rican Professional Basketball League ang dating NBA guard na si JJ Barea. Hahawakan ni Barea ang koponan na Guaynabo Mets.

“14-year NBA veteran and 2011 champion JJ Barea is becoming the head coach of the Guaynabo Mets in the Puerto Rican Professional Basketball League,” ayon kay Shams Charania ng The Athletic at Stadium.

Si Barea ay nagtagal sa NBA sa loob ng 14 na seasons, naglaro ito para sa Dallas Mavericks at Minnesota Timberwolves.

Ang nasabing point guard ay mula rin sa Puerto Rico. (CS)

See Related Story Here:

Raptors kinausap si JJ Redick para sa coaching job

TELETABLOID

Follow Abante News on