WebClick Tracer

Isyu ng OFWs dadalhin ni Romualdez sa AIPA

Nangako si Speaker Ferdinand Martin Romualdez na dadalhin sa ASEAN Inter-Parliamentary Assembly (AIPA) ang mga isyu na nakakaapekto sa mga Overseas Filipino Workers (OFW).

“Among the key issues we want to address here include the protection and welfare of our OFWs,” sabi ni Romualdez sa kaniyang talumpati sa harap ng Filipino community sa Jakarta, Indonesia.

Sinabi ni Romualdez na kasama ang pagbibigay ng proteksyon sa mga OFW sa prayoridad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at kinikilala ang kanilang sakripisyo at kontribusyon sa bansa.

Binigyan-diin ni Romualdez ang kahalagahan na paramihin ang mga oportunidad upang kumita sa bansa sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga magbubukas na negosyo.

Sinabi ni Romualdez na magpapasa ng mga panukala ang Kamara de Representantes upang mas maging investor-friendly ang bansa.

“Many of you are abroad working for multinational companies. Why don’t we open our economy to these multinational firms so you can have the choice of working for these companies in our country where you can still come home every day to your families” sabi pa ni Romualdez.

“We are thinking every day of ways on how to serve you. All our energies are directed at how it (our work) will benefit the Filipino people because we are your representatives,” dagdag pa ng lider ng Kamara.

Pinangunahan ni Romualdez ang delegasyon ng Pilipinas sa 44th General Assembly ng AIPA. (Billy Begas)

See Related Story Here:

Romualdez: Panukalang 2024 budget target paramihin produksyon ng pagkain, ibababa transpo cost

TELETABLOID

Follow Abante News on