WebClick Tracer

Ilang detalye sa China trip ni Duterte, confidential – PBBM

Tumanggi si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na idetalye ang lahat ng napag-usapan nila ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa naging biyahe nito sa China.

Sa ambush interview sa Pangulo sa Bulacan nitong Lunes ng umaga, sinabi nitong marami silang pinag-usapan ng dating Presidente subalit may ibang impormasyon na hindi maaaring isapubliko.

Ibinahagi aniya sa kanya ni ex- President Duterte ang mga napag-usapan nila ni Chinese President Xi Jinping subalit may ilang mga bagay na para na lamang sa kanila ng dating Pangulo.

“There are other things na pinag-usapan which I think need to remain confidential. That’s between President Digong and myself,” anang Pangulo.

Binigyang-diiin ng Presidente na isinaalang -alang aniya ang operational aspect ng militar maging ng Coast Guard at ng Philippine Navy kaya hindi maaaring idetalye sa publiko ang mga ito.

“These are operational aspects of our military, our navy, of our Coast Guard kaya mahirap masyadong pag-usapan,” dagdag ng Pangulo.

Matatandaang nitong nakalipas na linggo ay bumisita ang dating Pangulo sa Malacanang at nakipagkita kay Presidente Marcos Jr. matapos itong bumalik sa Pilipinas mula sa isang linggong biyahe nito sa China at pakikipagkita kay Chinese President Xi Jinping. (Aileen Taliping)

See Related Story Here:

Eternal happiness wish ni Rep. Duterte sa 50 bagong kasal

TELETABLOID

Follow Abante News on