WebClick Tracer

Hontiveros: Kumpanyang pag-aari ng China palayasin sa Pilipinas

Dapat na umanong i-ban sa bansa ang Chinese Communication Construction Co. (CCCC), isang Chinese state-owned company sa Pilipinas.

Ito ang panawagan ni Senadora Risa Hontiveros kasunod ng pagharang ng Chinese Coast Guard at pina-water cannon ang mga sasakyang pandagat ng Philippine Coast Guard na maghahatid ng mga suplay sa ating tropa sa Ayungin Shoal.

“China is not a friend. She is not even a good neighbor. Hindi tayo papayag na wala tayong gawin habang inaabuso at inaalipusta niya ang ating mga kababayan sa sarili nating karagatan. Banning one of their state-owned companies is a way to tell China that we will not tolerate any abuse anymore,” saad ni Hontiveros.

Tinapos na ni dating Finance Secretary Dominguez ang proseso ng aplikasyon ng pautang para sa mga pangunahing proyektong pinondohan ng CCCC tulad ng Davao-Digos Rail segment, Calamba-Matnog long haul rail at Subic-Clark Rail.

Sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, ipinagpatuloy ang negosasyon sa pautang, ngunit sinabi ni Hontiveros na interes ng Pilipinas na tanggihan din ang anumang pondo ng CCCC.

“There is no unique advantage to having Chinese banks and Chinese contractors being involved in these mega projects. One might even argue that the ADB or Japan, and maybe even the Philippine private sector, will be a better match for these projects,” sabi ni Hontiveros.

“If the Tutuban-to-Clark rail is based on Japanese technology and ADB environmental and social safeguards, we might as well choose them for other connected projects. Bakit nga ba binigay pa yan sa China? Bakit ibibigay sa kumpanya na may kasaysayan ng paninira sa ating likas-yaman sa WPS?” dagdag ni Hontiveros.

Nauna nang nanawagan si Hontiveros sa gobyerno na ihinto na ang mga proyekto sa CCCC matapos mabunyag na kabilang ito sa dose-dosenang kumpanyang nag-ambag sa dredging at construction ng mga artificial militarized islands sa WPS.

“Kasabwat siya sa pagnanakaw ng ating mga teritoryo sa WPS. Dapat lang na palayasin na sa bansa….Ang dami nang atraso ng China sa Pilipinas. Bugbog na tayo pero dapat tayong tumayo at manindigan,” pagtatapos niya. (Dindo Matining)

See Related Story Here:

Hontiveros: Matataas na opisyal sa DA na sangkot sa Kadiwa onion supply deal, suspendihin din

TELETABLOID

Follow Abante News on