WebClick Tracer

Herlene Budol ‘magpapatalino’ raw muna, sasali pa rin sa mga pageant

Ilang araw matapos niyang inanunsyo ang pagbabu niya sa mga beauty pageant, tila nagbago ang isip ni Herlene Budol matapos niyang sabihin na magpapahinga lamang siya upang ma-improve ang kanyang sarili.

“Herlene, sasali ka pa ba ulit sa ibang beauty pageant or end of the road na ba ang pagiging beauconera mo? Yes or no?” tanong ni Susan Enriquez kay Herlene sa isang episode ng “Dapat Alam Mo!”.

“Oo ata,” ang naging sagot ni Herlene bago sinabing “maybe.”

“Eh ‘di ‘yung pag-goodbye mo sa YouTube, hindi pala tunay na goodbye ‘yun?” sundot na tanong naman ni Kim Atienza.

“Hindi po. Sinabi ko po ‘yung ‘I’m signing off’ kasi wala pa po akong Miss Philippines Tourism na ipagdadayo ko po. Kumbaga, wala pa pong franchise na nakukuha dun sa international sa paglalabanan ko. After nun, lalaban pa rin ako sa international.

“After po nun, baka magpahinga po ako at papagalingin ko muna ‘yung sarili ko. Mag-focus po muna ako sa kung anong meron ako ngayon… Nagpapatalino po ako at saka nagpe-pray,” dagdag niya. (IS)

See Related Story Here:

Kahit may sariling kotse: Herlene Budol sinisi transport strike kaya late sa taping

TELETABLOID

Follow Abante News on