WebClick Tracer

Gastos ng Cagayan gov sa radio program hindi aprubado ng Sangguniang Panlalawigan

Wala umanong pondong inaprubahan ang Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Cagayan para sa radio program ni Gov. Manuel Mamba sa Bombo Radyo Tuguegarao.

Sa pagdinig ng House Committee on Public Accounts ngayong Lunes, tinanong ni Cagayan Rep. Jojo Lara si Cagayan Vice Governor Melvin Vargas Jr. kung magkano ang pondo ng Cagayan na napunta sa programa ni Mamba.

Sinabi ni Lara na ginagamit umano ni Mamba ang kanyang radio program na Caygandang Cagayan upang upakan ang kanyang mga kalaban.

Ayon kay Vargas walang inaaprubahan ang SP na pondo para sa radio program.

“Mr. Chair we called their attention for how many times, actually per year during the budget deliberations but they were not cooperating with us…They were not answering us if the payment is coming from the provincial government or not,” sabi ni Vargas.

Sinabi ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na kung hindi aprubado ng SP ang pagbabayad sa radio program at pondo ng lalawigan ang ginamit posible umano na mayroong paglabag.

“Since there is no authority given to the provincial governor as well as the accountant, and the budget officer to release payment for this program, from the beginning there’s already a violation,” sabi ni Barbers. “If public funds are being used for that program, and under the local government code there has to be an authority given by the Sanggunian.”

Humingi rin umano ng tulong si Vargas sa Commission on Audit (COA) subalit walang nangyari.

Sumegunda naman si SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta. “Kung talagang wala (appropriation), ang laki po ng violation po ng lahat na involved dito.”

“It appears Mr. Chair the appeals of the Vice Governor fell on deaf ears insofar as the provincial COA is concerned. Kasi po tama si Cong Barbers, hindi lang local government ang problema rito,” sabi ni Marcoleta.

Sa pagdinig ay lumabas na P4 milyon ang bayad para 105 araw na pag-ere ng programa.

“I think the Constitution tells us…no money shall be paid out of the treasury except in pursuance of an appropriation made by law. Maliwanag po yun. You are violating not only the local government code but you are violating the Constitution,” sabi ni Marcoleta.

“So kung wala pa lang appropriation, bayad nang bayad po kayo sa Bombo Radyo and the COA despite the repeated calls is not doing anything, I do not know what COA is meant for,” dagdag pa ng mambabatas.

Inatasan ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr., vice chairperson ng komite ang Bombo Radyo Tuguegarao na isumite ang mga resibo ng mga ibinayad ng probinsya. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on