WebClick Tracer

Escudero: Kuryente i-exempt sa EVAT

Para mapagaan ang pasanin ng ‘overtaxed” nang mga Pilipino, naghain si Senador Francis Escudero ng isang panukala na naglalayong ilibre ang electricity sales sa 12% Value-Added Tax (VAT).

Sa ilalim ng Senate Bill No. 2301, ang mga sumusunod na transaksyon ay dapat exempted sa VAT: sale of electricity by generation, transmission and distribution companies and electric cooperatives at services of franchise grantees of electric utilities.

“This bill seeks to address the high electricity cost by exempting electricity sale from VAT. By granting relief, the government can lower the operating costs of industries and businesses, temper inflation and increase disposable household income, while generating revenue windfall through increased economic activity and consumption,” sabi sa panukala.

Pumasa na sa unang pagbasa ang panukala ni Escudero at nakatakdang talakayin sa Committee on Ways and Means.

Kasabay nito, sinabi ng ng senador na dapat paigtingin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang kanilang pagkolekta ng buwis sa halip na itaas ito para madagdagan ang pondo ng pamahalaan.

“Naniniwala ako mula’t-mula na dapat tingnan muna ng pamahalaan kung paano gagawing mas efficient ang tax collection nito kesa magpataw na naman tayo ng mga panibagong buwis,” ayon kay Escudero.

Binanggit ni Escudero ang planong pag-adjust sa Motor Vehicle Road Users’ Tax (MVRUT), na mariin niyang tinutulan.

“Ang road users’ tax, gusto nila pang dagdagan. This year marks the 20th anniversary of the law’s implementation. Pwede ba na bago natin dagdagan, magbigay muna sila ng imbentaryo? Saan ba napunta ‘yan, magkano ang nakolekta, saan ginastos?” dagdag pa ng beterang mambabatas.

“Hindi pa ba sila kontento na mataas na nga ang presyo ng mga bilihin, tataasan pa nila ang buwis? Hindi man makatulong na pababain ang presyo ng mga bilihin, baka naman pwede huwag na nating dagdagan ang pasanin muna ni Juan dela Cruz,” dagdag pa niya. (Dindo Matining)

See Related Story Here:

Gobyerno hindi dapat pa-pressure sa US sa Manila Bay reclamation project – Escudero

TELETABLOID

Follow Abante News on